INSIGHT

【Expatriate Column】Pilipinas
東京鋲兼 フィリピン コラム

Dahil sa kamakailan na paghihipit sa mga hakbang pangseguridad ng PIlipinas, malaki ang binago ng situwasyong pangseguridad nito, at ang mga Pilipino na mismo ang nagsasabi na mas naging mabuti ang securidad dito.
Sa kabilang banda naman, kung titignan natin ang mga istatistika, ang populasyon ng Pilipinas ay higit na sa 100 milyong katao (ika-2 sa ASEAN), at ang GDP naman nito kada tao ay nasa $3,299 (ika-6 sa ASEAN), samantalang nasa 5.6% naman ang GDP growth rate nito. Masasabing, kapansin-pansin ang bansang Pilipinas sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

Overview ng Pilipinas

Ang lupain ng Pilipinas ay nasa 298,170 square kilometers, na humigit-kumulang 80% ng lapad nglupain ng Japan. Ito ay binubuo ng humigit-kumulang 7,600 na malalaki at maliliit na isla.
Ang kapitolyo nito ay ang lungsod ng Maynila, na may populasyong 13.48 milyong katao. Ang pinakamalaking pangkat-etniko nito ay ang mga Malay, ngunit mayroon ding mga Tsino, Espanyol, at iba pang pangkat-etnikong minorya.
Ito ang kaisa-isang Kristiyanong bansa sa ASEAN, at mahigit sa 90% ng populasyon nito ay Kristiyano.
Ang mga opisyal na wika nito ay Filipino at Ingles. Dahil ang edukasyon sa mga paaralan ay patuloy na isinasagawa sa Ingles mula elementarya, humigit-kumulang na 90% ng mga Pilipino ay nakakapagsalita ng Ingles.
Sa mga kamakailang taon, ang lungsod ng Cebu ay naging kapansin-pansin sa dayuhan bilang isang destinasyon ng pag-aaral sa Ingles dahil ito ay malapit at mura. Mahigit 30,000 na Hapones ay nagaaral ng Ingles sa Pilipinas kada taon.
Ayon sa “”Philippine English Study Abroad Awareness Survey” na ginawa ng Department of Tourism, 95.8% ng mga nag-aral ng Ingles sa bansa ay sumagot ng “Satisfied” sa kalidad ng pagtuturo ng Ingles sa bansa.

 

<Imprastraktura ng Transportasyon>
Gayunpaman, hindi nakakasabay sa paglago ng mga lungsod ang pag-unlad ng imprastraktura sa Pilipinas.
Ang mga nakabisita sa Pilipinas marahil ay nakaranas na ng matinding siksikan sa trapiko na halos wala nang galawan.

東京鋲兼 フィリピン コラム

Ang mga jeepney ang pangunahing paraan ng transportasyon sa bansa, at ginagamit bilang isang uri ng shared taxi.
Bagamat ito ay madali at maginahawang sakyan dahil maaari kang sumakay at bumaba kahit saan sa loob ng ruta ng jeep, ang kalayaang sumakay at bumaba ng kung saan-saan ay nagdudulot din ng matinding trapiko.
Pag naririnig ng mga tao trapiko sa Southeast Asia, marahil ay mga lumang kotse ang naiiisip nilang tumatakbo sa kalsada, ngunit karamihan sa mga sasakyan na makikita sa Maynila ay mga 2 hanggang 3 taon gulang lamang, at dahil dito ay ramdam na ramdam ang mabilis na pag-unlad ng Pilipinas.

Mga pangunahing rehiyon at ang kanilang mga katangian

Ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong pangunahing pangkat ng isla: Luzon, Visayas at Mindanao.
Ang Metro Manila na siyang pinakamalaking lungsod sa Luzon ang bumubuo ng mahigit-kumulang 40% ng GDP ng bansa. Ang susunod na pinakamalaking rehiyong pang-ekonomiya ay ang Calabarzon (sa Luzon) na may humigit-kumulang 15%, ang Gitnang Luzon na may humigit-kumulang 10%, at 5% naman galing sa rehiyong Central Visayas, na siyang kinabibilangan ng lungsod ng Cebu.
Kung tigtignan natin ang kabuuan ng GDP ng Pilipinas, ang Service industry ay ang pinakamalaking industriya na siyang bumubuo ng 60% ng GDP, kasunod naman ng Manufacturing na nasa 30%, at Agrikultura na nasa 10%.
Ang lugar na kung saan Manufacturing ang pinakamalaking sektor ay Calabarzon/Central Luzon.
Karamihan ng mga kumpanyang Hapones na pumapasok sa Pilipinas ay matatagpuan sa mga komersyal na distrito ng Metro Manila, sa Calabarzon area na malapit sa Metro Manila, mga industrial park na nasa Central Luzon, at mga industrial park sa Cebu na siyang pangalawang pinakamalaking metropolitan area bukod sa Manila.
Ang TOKYO BYOKANE PHILIPPINES CORPORATION ay nasa Calabarzon, habang ang TOKYO STEEL PHILIPPINES CORPORATION naman ay nasa isla na Mactan sa Cebu.

東京鋲兼 フィリピン コラム
東京鋲兼 フィリピン コラム

Mga kaakit-akit na katangian ng Pilipinas

①Mga kaakit-akit na katangian ng Pilipinas
Ang Pilipinas ay nasa demographic bonus period Masasabing kasalukuyang nasa demographic bonus period ang Pilipinas.
Ang demographic bonus ay ang estado kung saan ang populasyon na nasa edad ng pagtratrabaho (15 hanggang 65 na anyos) ay higit sa dalawang beses kaysa sa natitirang bahagi ng populasyon (0 hanggang 14 na anyos at higit pa sa 65 na anyos). Sinasabing mas madaling makamit ang mataas na paglago ng ekonomiya dahil sa pagtaas ng sahod dulot ng urbanisasyon at industriyalisasyon, at sa pagpapasigla ng pagkonsumo na dulot nito.

②Ang Pilipinas ay may matalik na pagkakaibigan sa Japan, at ito ay isa sa mga pinaka pro-Japanese
nabansa sa kabuuang Asia.
Nang nagsagawa kami ng survey ng 100 na lalaki at babaeng mahigit sa 18 na taong gulang mula sa 10 bansa sa Asia, natagpuan namin na mahigit 90% ng mga tao sa Pilipinas ay sumagot ng “Gusto” o “Mahal” nila ang bansang Japan.

 

③Magaling mag Business English
Gaya ng nakasaad sa “Overview ng Pilipinas”, dahil patuloy na itunuturo angIngles mula elementarya,madaling maunawaan ang business English ng mga taga Pilipinas.

TOKYO BYOKANE PHILIPPINES CORPORATION(TBP)

Bilang isang general trading company ng mga fastening parts, ang Tokyo Byokane ay nakakapag import ng lahat ng uri ng mga piyesa mula sa sarili naming pabrika, mga pabrika na kasanib ng Tokyo Byokane Group, at aming mga kasosyong pabrika sa buong mundo. Sa pamamagitan ng network ng Tokyo Byokane sa Japan at ibang bansa, nakakapag alok kami ng mga dekalidad na produkto sa presyong tapat at makatwiran.
Bilang isang PEZA company, kami ay hindi saklaw sa pagkuha ng Import Clearance Certificate (ICC) mula sa BIR (Bureau of Internal Revenue), na siyang nagpapaikli sa proseso ng pagkuha ng import at export license kung ikukumpara sa mga non-PEZA companies. Karaniwang nangyayari ang pagkaantala ng custom clearance ng mga import items sa Pilipinas, at ang kamakailang mga lockdown na dulot ng COVID ay minsang nagdudulot ng problema sa pag export mula sa iba’t ibang lugar.
Gayunpaman, nagagawa naming magalok ng kinakailangang piyesa sa oras na kailangan ang mga ito dahil kami ay may sariling opisina at warehouse, at nagagawa naming i-manage ang sarili naming imbentoryo batay sa impormasyon ng produksyon ng aming mga customer.
Sa pamamagitan ng paggamit sa aming kumpanya, matutulungan namin ang inyong kumpanya na bawasan ang inyong imbentaryo at matiyak ang matatag na supply ng mga piyesa. Maari rin namin kayong tulungan kung may problema kayo maliban sa fastening parts, kaya huwag mahiyang makipagugnayan sa amin upang mapag-usapan natin ang inyong proyekto.

 

TOKYO BYOKANE PHILIPPINES CORPORATION(TBP)
Address:Lot C2-6B Carmelray Indutrial Park2,Brgy.Punta,Calamba City,Laguna 4027
Facilities:PEZA company mula April 2000
ISO Certification:ISO9001-2015/ISO14001:2015
Email:sales@tokyobyokane.com.ph
Suportadong Lenguahe: English, Tagalog, Japanese

TOKYO STEEL PHILIPPINES CORPORATION.(TSP)

Ang TOKYO STEEL PHILIPPINES CORPORATION.( TSP)ay gumagawa at nagbebenta mga mga precision microshaft na gawa sa stainless steel, at nagsasagawa rin ng iba’t ibang proseso in-house katulad ng cutting, heat treatment at polishing.

東京鋲兼 フィリピン コラム

Bilang secondary process, maari ring magpagawa ng mga produkto na may iba’t ibang hugis gamit ang mga knurling at escomatic automatic lathe.

東京鋲兼 フィリピン Philippines コラム

*Ginagawa ng TOKYO STEEL PHILIPPINES CORPORATION(TSP)ang lahat ng proseso sa sarili nitong pabrika, kaya ang bawat proseso ay maigi na nasusubaybayan at nagagawa naming tumugon sa mga agarang order gawa ng bilis ng aming kuminikasyon.
Sa tuntunin ng kalidad naman, 100% ng mga produkto ay sinisiyasat upang maayos ang gasgas at pagkawalan ng kulay.
Bilang karagdagan, ang aming mga pasilidad ay maroon ding mga hardness tester, roundness tester, surface roughness tester, at laser outside diameter tester upang mabigyan ng lubos na pansin ang kalidad sa aming pagmamanupaktura. Ang aming mga prudkto ay araw-araw naming ginagawa sa ilalim ng aming motto na “Murang benta sa aming mga kustomer sa mataas na kalidad” Bilang karagdagan, kami rin ay may discharge plan para sa paglabas ng wastewater mula sa pabrikana tumutuon sa pangangailangan ng ating kalikasan.
東京鋲兼 フィリピン コラム

Huwag magatubiling makipag-ugnayan sa TOKYO STEEL PHILIPPINES CORPORATION.(TSP)para sa anumang mga tanong o problema sa kasalukuyang nabili na shaft.

 

TOKYO STEEL PHILIPPINES CORPORATION.(TSP)
Address:Mactan Export Processing Zone 1Lipu-Lipu City Cebu 6015
Facility:PEZA company mula March 1997
ISO Certification:ISO9001-2015/ISO14001:2015
Email:prod_sales@tokyosteel.com.ph
Suportadong Lenguahe: English, Tagalog, Japanese